Kasabay ng pag-apak
sa lugar na malawak
Ang kanyang ngiti ay
walang kasing lawak

Sa isang matarik na bundok
doon nakatumpok
Ang dalawang taong nakatingin
sa mga ibong humahagikhik

Walang kasing ganda
kung sakaniya ka nakatingin
Daig pa ang mga tanawin
kung pagkukunperahin

Isang malawak na lugar
kung tutuusin
Pero kung papapiliin
tila isip niya parin

Mga damong nagsasayawan
Habang ang mga ibon ay
nagkakantahan

Mga masasayang paru-paru
ay sakaniya dumadapo
Kasabay nito ang labi ko
na dumapo

Masayang ala-ala
na di na muling
maibabalik pa

Ang lugar at siya
ay tila nasa isang
Pinta na